Kapag ba nagmahal ka

 

This slideshow requires JavaScript.

Kapag ba nagmahal ka

Kapatid ba nito ang dusa, luha, at kirot

Kaagapay ba nito ang paglisan at distansya

Kasama nga ba sa hiling ang duda, tanong, at pangamba



Kagabi, tinanong kita:

“Kapag ba nag-away tayo, iiwan mo ako?”

At ang sabi mo, “Depende.”

At ang sagot ko, “Bakit?”

At ang saad mo, “Basta.”



Pero ang hindi mo alam,

Maraming ibig sabihin ang mga salitang ‘depende’ at ‘basta’

Depende kung maliit na bagay,

Depende kung ano ang pinag-awayan,

Depende kung dahil saan,

Depende kung mahalaga ka,

Depende kung mahal ba talaga kita—

Depende kung ipaglalaban ba kita.



Basta malalaman  na lang natin,

Basta ‘wag muna nating isipin,

Basta ‘wag ka mag-alala,

Basta  magtiwala ka lang,

Basta kumapit ka lang,

Basta lumaban ka lang—

Basta iiwan ka na lang.



Marahil, ang salitang depende at basta

Ang pinakamalabong mga salitang narinig ko sa ‘yo

Hindi ko alam kung naituro ba ang depinisyon nito sa paaralan

Dahil kung oo, hindi na siguro ako nag-iisip

At naghahanap ng kasiguraduhan na ninanais ko mula sa ‘yo—

Mula sa atin.



Kapag nagmahal ka,

Maaaring walang dusa, luha, at kirot

Maaari mong talikuran ang paglisan at paliitin ang distansya,

At iwanan ang duda, tanong, at pangamba

Ngunit kung ganoon,

Hindi ko masasabi na tunay kang nagmamahal—

Sapagkat ang pag-ibig ay paglaban,

At magwagi ka man o hindi,

Tiyak na uuwi ka nang may sugat.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s